Appointment ni DSWD Sec. Taguiwalo, tuluyan nang ibinasura ng CA

Tuluyan nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Ayon sa CA, 13 miyembro ang bumoto para tuluyang ma-reject ang appointment ni Taguiwalo.

Batay  sa panuntunan ng komisyon, maaaring mabasura ang ad interim appointment ng isang opisyal kung mayorya sa mga kasapi ng lupon ang boboto ng kontra sa kumpirmasyon nito.

Hindi naman naglabas ng dahilan ang CA members kung bakit tuluyang ibinasura ang kumpirmasyon ni Taguiwalo.

Ang DSWD Secretary ang ikatlong cabinet member ng Duterte administration na na-reject ng CA.

Una nang ibinasura ang Ad interim appointment ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay at nasundan ng pagkakabasura ng kumpirmasyon ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *