Malakanyang nakikisimpatiya sa mga tumatangkilik ng Uber sa one month suspension ng LTFRB

Nakikisimpatiya ang Malakanyang sa mga regular na mananakay na gumagamit ng UBER.

Kasunod ito ng 1 month suspension order na ibinaba ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board LTFRB sa accreditation ng UBER System Incorporated.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bagaman naiintindihan ng gobyerno ang sentimyento ng mga tumatangkilik sa UBER.

Ayon kay Abella kailangan din naman na igalang  ang patakaran ng LTFRB bilang  ahensiyang nangangasiwa sa pagpapataw ng regulasyon at nagbibigay ng akreditasyon sa mga UBER vehicles.

Umaasa naman ang Malakanyang na maresolba sa lalong madaling panahon ang isyu lalo at kapakanan ng mga riding public ang nakataya.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *