Malakanyang naninindigang walang impeachable offense na ginawa si Pangulong Duterte

Iginiit ng Malakanyang na walang ginawang impeachable offense si Pangulong Duterte.

Sagot ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa hakbang ni Partylist Representative Gary Alejano na sampahan ng  impeachment complaint  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Duterte.

Batay sa alegasyon ni ni Alejano nagkasala ang Pangulong Duterte ng high crimes dahil sa malawakang pagpatay sa drug personalities,  graft and corruption dahil sa umano’y tagong bank account at yaman nito.

Sinabi ni Abella na mahigpit na sinusunod ng Pangulo ang rule of law na naayon sa itinatadhanan ng Saligang Batas

Ayon kay Abella ang impeachment complaint laban sa Pangulo ay bahagi pa rin ng destabilisasyon laban sa administrasyon dahil ang hakbang ng mga kalaban ay planado at coordinated.

Inihayag ni Abella na hindi patitinag ang administrasyon sa mga nanggugulo at pagtutuunan ng pansin ang reporma at pagbabago para sa nation building.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: