Malawakang military operation sa mga kuta ng Abu Sayaff at local terrorist cell ipinag-utos ni Pangulong Duterte matapos ang twin bombings sa Jolo Sulu

Target na ngayon ng militar ang pagtunton sa mga kuta ng mga hinihinalang terorista sa Mindanao.

Sinabi ni presidential Spokesman Salvador Panelo asahan na ang malawakang military operations matapos ang kambal na pagpapasabog sa Mt Carmel Cathedral sa Jolo Sulu.

Ayon kay Panelo hindi mangingimi ang militar na salakayin ang lahat ng kuta ng mga terorista particular ng Abu Sayyaf group at kanilang local terrorist cells.

Sa pinakahuling impormasyon ni DILG Secretary Eduaro Año natukoy na bilang suspek ang ilang kabataan na edad 19 hanggang 20 na hinihinalang konektado sa Abu Sayaff group na silang may kagagawan ng pagpapasabog.

Sa katunayan nakita ito sa ilang kuha ng cctv sa lugar malapit sa cathedral.

Sa naturang cctv footages nasa tatlo hanggang apat na lalake ang magkakasama malapit sa pinangyarihan ng pagsabog at dalawa sa mga ito ang may bagay na pinagpasahan na hinihinalang cellphone at nagsilbing triggering device.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *