Mga medical experts at ilang grupo ng kabataan sumugod sa senado para igiit na itaas ang buwis sa sigarilyo

Sumugod sa senado ang grupo ng mga kabataan at mga medical experts para suprtahan ang isinusulong na karagdagang buwis sa sigarilyo.

Umaapila ang grupo kay Senador Sonny Angara, chairman ng senate committee on ways and means na ipasa ang panukalang batas na itaas pa sa 90 pesos ang kada pakete ng sigarilyo.

Ayon kay Dr. Antonio Dans ng UP College of Medecine at National Academy for Science and Technology, lumilitaw sa kanilang pag aaral na epektibong paraan ang pagtaas ng buwis para bawasan ang bilang ng mga naninigarilyo.

Katunayan, noong 2012 nang itaas ang sintax, mula ss 14 million katao, nabawasan ng halos tatlong milyon ang mga naninigarilyo kabilang na ang mga bata.

Nanindigan ang mga health expert sa masamang epektong dulot ng paninigarilyo at dapat magkaroon ng political will ang gobyerno para bawasan ang masamang epekto ng paghithit ng sigarilyo.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *