Marawi City government umapela sa militar na itigil ang airstrikes

Muling umaapela  ang Marawi City government sa militar na itigil ang isinasagawang airstrikes sa kanilang lungsod.

Ayon kay Lanao del Sur Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong , kahit bigyan lamang sila ng ilang oras na suspensyon ng airstrike para  makuha ang marami pang sibilyan na naiipit sa bakbakan.

Aniya , kaya maraming naipit na residente sa bakbakan ay dahil sa nauna nilang panawagan sa mga residenteng ayaw lumikas na manatili na lamang sa kanilang bahay at tiyaking hindi magpapapasok ng mga kahina hinalang tao.

Subalit maging sila ay hindi inaasahan ang agresibong hakbang ng militar .

“Nobody expected na ganito ka aggressive ang military sa kanilang operation. even the international committee on the red cross ay humihingi narin po ng humanitarian ceasefire maski dalawang oras man lang para makuha ang mga natrap na sibilyan at makuha natin sila at maisalba, madala sa mga evacuation center para maisalba ang kanilang buhay.actually ngayon habang nag-uusap po tayo ayan na naman sila nagsasagawa ng airstrike”. – Assemblyman Adiong

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *