School opening sa Marawi City posibleng hindi matuloy – Assemblyman Adiong

Imposibleng matuloy ang pasukan ng mga estudyante sa Marawi City sa Hunyo.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan,  sinabi ni Lanao del Sur Crisis Management Committee saSpokesman Zia Alonto Adiong  na maraming guro at mga estudyante ng Marawi ang nananatili sa mga itinalagang evacuation center kaya malabong makapagsagawa ng klase roon.

Gayunman posibleng sa mga kalapit na lugar na hindi apektado ng kaguluhan ang magsagawa ng school opening at hindi rin nila inaalis ang posibilidad na magtalaga ng silid aralan sa mga evacuation center upang makapagpatuloy ang mga kabataan sa kanilang pag -aaral.

“Wala pa po tayong advisory mula sa Department of Education to suspend classes and schedule it to later days nod. but in Marawi City i think it is impossible to hold classes as schedule . dahil may mga school po sa Marawi City ang sinunog ng mga Maute group at ang mga teachers ay lumikas at umalis na sa Marawi City.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *