Mastermind sa People’s Initiative dapat papanagutin

Nais ni Senador Ronald bato dela Rosa na papanagutin sa batas ang mastermind sa People’s Initiative.

Ayon sa Senador, dapat gamitin ng Senado ang lahat ng legal option para habulin ang may pakana ng pekeng People’s Initiative.

Kahit sinuspinde na aniya ng Comelec ang lahat ng proceedings, dapat malantad kung sino-sino ang mga nanloko sa taumbayan para pumirma sa tinawag niyang Politicians initiative.

Masakit aniya na pinagsamantalahan ang kahirapan ng maraming Pilipino at inalok ng maliit na halaga kapalit ng kanilang pirma para umusad ang political agenda ng ilang nakaupo sa puwesto .

Mungkahi ni dela Rosa isama ng Senate Committee on Electroal Reforms sa kanilang magiging rekomendasyon ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga mapapatunayang umabuso lalo na sa paggamit ng pondo ng taumbayan.

Nauna nang inamin ng ilang testigo sa pagdinig ng Senado kahapon na inalok sila ng pera at ayuda mula sa DSWD at DOLE kapalit ng pirma.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *