Maute group, nauubusan na ng bala at matataas na kalibre ng armas – AFP

Nauubusan na ng mga matataas na armas at ammunition ang mga miyembro ng Maute sa Marawi City.

Batay ito sa obserbasyon ng Armed Forces of the Philippines habang nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga Maute.

Ayon kay Task Force Marawi Spokesperson Captain Joan Petinglay, nitong mga nakalipas na araw ay pawang Improvised Explosive Devices na lamang ang ginamit ng mga ito sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo.

Hindi na kasi aniya nakakarating sa mga Maute  ang mga supply ng armas dahil sa pagharang ng militar sa mga entry at exit points sa Marawi City.

Sa pagtaya ng AFP, aabot na lamang sa limampung terorista ang nakikipaglaban sa kanila, habang nasa walumpung bihag na sibilyan naman ang naitalang hawak ng mga ito.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *