Maute group sa Marawi City posibleng inabandona na ni ASG leader Isnilon Hapilon

download
courtesy of wikipedia.org

Inabandona na ni Abu Sayyaf Group leader Isnilon Hapilon ang kanyang mga tauhan na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, base sa salaysay ng mga sibilyan na kanilang nailigtas, hindi na nila nakikita si Hapilon.

Pero paglilinaw ni Arevalo, sumasailalim pa sa kumpirmasyon ang naturang impormasyon.

Dagdag ni Arevalo, beneberipika na rin ng kanilang hanay kung nakalabas na ng Marawi si Hapilon.

Dahil sa pagtakas ni Hapilon, sinabi ni Arevalo na isa itong indikasyon na unti-unti nang nagtatagumpay ang militar sa pagpuksa sa teroristang grupo.

Sakali mang nakatakas na si Hapilon sa Marawi, tiniyak ni Arevalo na tuloy pa rin ang pagtugis ng militar sa teroristang lider.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *