Sen. Trillanes hindi natinag sa matinding batikos matapos ang interview sa BBC

download
courtesy of wikipedia.org

Itinuturing ni Sen. Antonio Trillanes na ‘proudest moments’ sa kanyang buhay pulitika ang naganap na interview sa kanya sa BBC na naging viral sa social media.

Ayon kay Trillanes, alam niya kung gaano katindi ang impact ng panayam sa kanya katunayan ang matinding batikos na inabot sa social media matapos ang  popular  show na Hardtalk sa BBC.

Aminado si Trillanes, totoong mahirap para sa isang indibidwal na maging guest ng show, pero nasagot niya ang mga tanong ng maayos na siguradong hindi kayang masagot ng mga kritiko at trolls na nagbigay ng negatibong feedback lalo na sa umano’y na splice o putol na panayam na naipost sa social media.

Pero giit ng Senador, iginagalang niya ang opinyon ng mga nakapanood ng full interview bagaman aminado siya na sadyang hindi masisiyahan lalo na ang mga bumabatikos laban sa kanya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *