Mga aspirante para sa posisyon ng Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman, umabot na sa sampu

Sampung indibidwal ang mga aspirante para sa posisyon ng Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa Judicial and Bar Council, kabilang sa mga nominado at aplikante si Dating Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval.

Nasa listahan din sina Makati City Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon, Acting Ombudsman Special Prosecutor Omar Sagadal, Dating Comelec Law Department head at Mandaue RTC Judge Ferdinand Rafanan, at PUP Law Professor Arnold Bayobay.

Aplikante rin sa posisyon sina dating Ombudsman Mindanao Lawyer Eusebio Avila, dating Ombudsman Prosecution Bureau Director Diosdado Calonge, at mga abogado na sina Francisco Alan Molina, Raymundo Julio Olaguer, at Vernand Quijano.

Sasalang ang mga aspirante sa public interview ng JBC sa May 24  sa Korte Suprema.

Ang mapipiling aplikante ni Pangulong Duterte mula sa shortlist ng JBC ay ang papalit kay Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit na nagretiro noong Marso.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *