Mga contractor sinisi ni dating Health Secretary Janet Garin sa kabagalan ng konstruksyon ng mga barangay health stations.

Sinisisi ni dating Health Secretary Janet Garin ang contractor kung bakit hindi natapos ang konstruksyon ng baranggay heath stations.

Sa pagdinig ng senate committee on health, sinabi ni Garin na dalawang taon na syang wala sa DOH at kung hindi natapos ang naturang proyekto ang contractor ang dapat habulin ng gobyerno.

Lumalabas sa 5,700 tanging 270 BHS lamang ang natapos na ipatayo

Pero walo lang sa mga ito ang may dokumentong magpapatunay na kumpletong natapos.

Iginiit ni Garin na dumaan sa bidding process ang naturang proyekto at hindi ito nakialam sa naturang proseso.

Ipinatayo aniya ang mga baranggay health stations para ma decongest ang mga pampublikong hospital at makapagbigay ng mas maayos na health services ang DOH.

Iginiit ni Garin na hindi sya nakinabang sa proyekto at walamg nangyaring anomalya sa konstruksyon ng mga health centers.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *