Pagresolba sa kasong pagpatay kina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ipinauubaya ng malakanyang SA PNP

Umaasa ang Malakanyang na mareresolba ng Philippine National Police o PNP ang magkasunod na kaso ng pagpatay kina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tungkulin ng estado na bigyan ng hustisiya ang lahat ng kaso ng pagpatay at mapatawan ng parusa ang mga salarin.

Ayon kay Roque tiwala ang Malakanyang sa kakayanan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na makapagsagawa ng malalimang inbestigasyon.

Dahil sa magkasunod na kaso ng pagpatay sa dalawang alkalde binabatikos ngayon ng kanyang mga kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte na sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ay nagaganap parin ang patayan sa mga kilalang personalidad.

ULat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *