Mga estudyante sa Marawi City, papayagang mag-enroll sa Iligan at CDO City para makapag-aral

Inaasahang madaragdagan ang bilang ng mga estudyanteng papasok sa Iligan at Cagayan de Oro city mula sa Marawi City.

Ayon kay Education Secretary Leoor Briones, nasa 5 libong mga batang estudyante ang tumutuloy sa mga evacuation centers sa Iliga City at inaasahang madaragdagan pa ito.

Ayon sa kalihim, papayagan naman ng DepEd na mag-enroll ang mga estudyante mula sa Marawi City kahit kulang-kulang ang kanilang mga dokumento.

Inaasikaso na rin aniya ng mga local officials ng DepEd ang posibleng mga problemang kahaharapin nila gaya ng kakulangan sa mga silid-aralan at mga guro.

Matatandaang sinuspinde ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa Marawi city at walong barangay sa Lanao del Sur kasunod ng kaguluhanng nagaganap sa Marawi city.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *