Voters Record sa Marawi City, nailigtas ng Comelec

Sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City, nailigtas ang Voters registration record ng mga mamamayan sa lunsod.

 

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista na matagumpay nilang nailipat ang mga poll record sa provincial capitol.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nailikas ang mga comelec personel sa Marawi patungo sa Iligan City, Cagayan de Oro city  at iba pang malalapit na lugar.

Inaprubahan rin ang 1 milyong pisong tulong para sa mga Comelec personnel na naapektuhan ng bakbakan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *