Mga grupong gustong mag people power para ibagsak ang gobyerno susuportahan ni Pangulong Duterte

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nanawagan sa mga gustong ibagsak ang gobyerno sa pamamagitan ng panibagong people power na ituloy na ang kanilang balak.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya kapit tuko sa puwesto kung talagang gustong agawin sa kanya ang gobyerno.

Ayon sa Pangulo naniniwala siyang ginagamit ngayon ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang pagkakapatay ng pulis Caloocan ang menor de edad na si Kian Lloyd delos Santos.

Inihayag ng Pangulo na ayaw na niyang magbigay ng iba pang komento sa kaso ni Kian bagkus hihintayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI.

Tiniyak ng Pangulo na kapag napatunayan na may kasalanan ang mga pulis na nakapatay kay Kian hindi niya ito kukonsintehin bagkus ipapataw ang kaukulang parusa sa ilalim ng batas.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *