Mga kandidatong tumatanggap ng foreign funding, posibleng i-disqualify ng Comelec

0
COMELEC LOGO

Iniimbestigahan na ng National Seurity Council (NSC), ang mga ulat na may mga kandidato ngayon na umano’y pinopondohan ng ilang foreign countries kabilang na ang China.

Sa pagdinig ng Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty sa mga umano’y kaso ng espionage ng China sa Pilipinas, tumanggi ang NSC na magbigay ng pangalan o listahan ng mga kandidato dahil sa isyu ng national security.

Ayon kay Assistant Director-General Jonathan Malaya, “This is a matter of national security. The NSC is working with various agencies.”

Assistant Director-General Jonathan Malaya / PNA

Tinanong naman ni Senador JV Ejercito kung puwedeng ma-disqualify dahil tumatanggap ang mga ito ng assistancesa mga banyaga.

Ayon sa Comelec, hihintayin mula ang resulta ng imbestigasyon ng NSC

Hihingi rin sila ng tulong sa Bangko Sentral ng Pilipinas para makita ang flow ng pera upang mapatunayan kung nanggaling sa ibang bansa ang tulong pinansiyal sa mga kandidato.

Pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, “Sabi namin, when it comes to Anti-Money Laundering, makikita namin ang flow ng pera. Kapag ang pondo na galing sa negosyante o negosyo ay nandito sa Pilipinas. Mahirap ma-trace kung tutuusin. That is ground to disqualify a candidate, fore receiving a support galing sa labas ng bansa o dating Filipino citizen. Foreign national na sila kahit sila di puwede magbigay ng tulong pinansiyal o anumang tulong.”\

Comelec Chairman George Garcia / PNA

Maaari naman aniya silang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Kapag aniya napatunayan ang pagtanggap ng kandidato ng foreign funding, madidiskuwalipika ito at kapag partido ang tumanggap, laht ng kandidato ay maaaring ma-disqualify.

Kahit nanalo na aniya ang isang kandidato, puwedeng hindi siya i-proklama ng Comelec.

Pero umapela ang Comelec sa Senado na magkaroon ng regulasyon sa social media, lalo na sa campaign period dahil sa problema nila ngayon ang disinformation campaign.

Isang linggo aniya bago ang eleksiyon sa Lunes, mas tumindi pa ang disinformation campaign at operasyon ng troll farms para isabotahe ang halalan.

Pinakabago sa mga ipinapakalat ngayon ay ang maling impormasyon na inilipat na raw ang eleksiyon sa May 10 sa halip na sa May 12.

Ani Garcia, “May lumabnas na naman nga na sa May10 na ang eleksyon hindi na sa May12, dahil sa sobrang init. Tapos sinasabi pa na hindi makakaboto kapag walang National ID. Hindi naman lahat nag-apply ng National ID. Maniniwala ang tao na hindi na lang ako boboto so anong purpose ng nagkakalat, pababain ang bilang ng boboto.”

Aabot na rin aniya sa tatlong milyon ang ginawang pagtatangka para i-hack ang precint finder ng Comelec pero lahat ay nabigo.

Kahit may mga nahuli rin aniyang hinihinalang Chinese spy, tiniyak ni Garcia na walang election data na nakokompromiso.

Aniya, “No election data sa komisyon, 100 percent sure kami nasa ibang lugar ang election data, ang gamit nila hindi pangkuha ng data, pagkuha ng cellphone numbers hanggang patungkol sa proseso ng halalan.”

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *