Mga kongresistang kontra sa appointment ni DOH Sec. Paulyn Ubial nadagdagan pa

Naghain na rin ng reklamo sa Commission on Appointments si ACTS OFW Representative Aniceto John Bertiz para kontrahin ang appointment ni Health Secretary Paulyn Ubial.

Ayon kay Bertiz ito ay dahil sa kabiguan ni Ubial na solusyunan ang kanilang reklamo laban sa kumpanyang Winston Q8.

Sa walong accredited clinic ng Winston Q8 nirerequire nito na magpamedical test ang lahat ng OFW na patungong Kuwait at naniningil sa mas mataas na presyo at kumikita ng anim na milyong piso kada araw.

Dagdag naman ni Kabayan Representative Harry Roque na isa rin sa mariing kumokontra sa kumpirmasyon ni Ubial…idineklara ng ilegal ng Korte Suprema ang monopolya sa health services at inihinto na ito sa panahon ni dating Health Secretary Janett Garin pero ibinalik sa panahon ni Ubial.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: