Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng oil price hike, ngayong araw

Muling nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Simula kaninang hatinggabi, ipinatupad ng Flying V ang dagdag na trenta’y singko sentimos sa kada litro ng Gasolina; singkwenta sentimos sa Diesel at kwarenta sentimos  sa Kerosene.

Alas sais naman kaninang umaga nang ipatupad ng Petron, PTT Philippines, Seaoil, Eastern Petroleum, Phoenix at Shell ang parehong price increase.

Samantala, nagpatupad naman ng dagdag na limang piso at tatlumpu’t limang sentimos ang petron sa kada kilo ngLPG at tres pesos sa kada kilo ng Auto-LPG.

Kahalintulad na price increase din ang ipinatupad ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *