Mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng price hike

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Tatlumput limang sentimos ang dagdag presyo sa kada litro ng Gasolina at Diesel , habang 30 sentimos naman  ang dagdag sa kada litro ng Kerosene o Gaas.

Unang nagtaas ang Flying V kaninang hatinggabi  na sinundan  ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum at Seaoil kaninang alas sais ng umaga.

Inaasahan namang mag aanunsyo din ng kaparehong pagtataas ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa mga nakalipas na taon ay karaniwang tumataas ang presyo ng produktong petrolyo kapag panahon ng tag-init dahil sa mataas na demand ng petroleum products sa merkado.

Please follow and like us: