Mga lalaking nagpopositibo sa Human Immunodeficiency Virus , patuloy na dumarami ayon sa DOH

Dumarami ang mga lalaking nagpopositibo sa HIV dahil sa tinatawag na transactional o paid sex.

Ito ang inihayag ng Department of Health matapos makapagtala ng 95 mga bagong kaso ng HIV nito lamang nakalipas na Marso.

Ayon sa DOH, sa mga bagong kaso ng HIV na naitala nila, 48% o 46 ay mga lalaki na nagpositibo sa naturang sakit matapos ang may bayad na pakikipagtalik.

Nauna rito, sinabi rin ng Health officials na patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyenteng dinadapuan ng HIV matapos na subukan ang tinatawag na transactional sex.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *