Senior citizen, patay matapos mabundol ng oil tanker habang nagbibisikleta sa Quezon City

Patay ang isang senior citizen matapos na mabundol ng oil tunker sa intersection ng Aurora Blvd. at Araneta Blvd. sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Flizandro Villianueva 70 years old.

Sa initial na imbestigasyon binabaybay lamang ng biktima ang kahabaan ng Aurora Blvd. gamit ang bisikleta  kasama ang kanyang anak na nakabisikleta rin.

Narating nila ang intersection ng Aurora Blvd. at Araneta Blvd. maya nang  bigla na lamang itong nabundol ng truck na papaliko na sa Aurora Blvd. galing ng Araneta Blvd.

Agad namang naisugod sa San Juan Medical Center ang biktima ngunit idineklara rin itong patay dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo.

Ayon sa anak nito na si Joefrey Villianueva sinundo nila ang kanilang nanay dahil sa dami ng bitbitin nito na pinamili sa palengke ng mangyari ang aksidente.

Magsasampa din sila ng reklamo laban sa driver ng oil tanker.

Dipensa naman driver ng truck napansin na lamang niya ang kanyang nasagasaan nung ito ay nasa ilalim na kaya hindi nya agad nagawang huminto.

Samantala kakasuhan naman  ng reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng oil tanker.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *