Mga makakaliwang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte, mananatili pa rin sa pwesto

 

Mananatili pa rin sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang kalihim.

Ayon kay deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, wala namang dahilan para sibakin ang tatlong makakaliwang opisyal sa kabila ng pagkainis ng Pangulo sa kilusang komunista.

Patuloy na nagtitiwala si Pangulong Duterte kina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, DSWD Secretary Judy Taguiwalo at National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Masa.

Sinabi pa ni Guevarra na kuntento rin si Pangulong Duterte sa trabaho ng naturang mga kalihim kayat dapat lang aniya na manatili ang mga ito sa puwesto.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *