Mga materyales na gagamitin para sa nalalapit na SONA ni Pangulong Duterte, nakahanda na – Sec. Andanar

Nakahanda na ang lahat ng materyales na gagamitin para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na gagamitin nila ang lahat ng paraan upang marating at maintindihan ng mga kababayan ang SONA ng Pangulo.

Sinabi pa ni Andanar na may inihanda silang interpreter para sa diplomatic corps na mag-i-interpret ng talumpati sa pitong lengwahe kabilang na ang Ingles, Mandarin, Russian, Nihonggo, French, Spanish at German.

Paliwanag ni Andanar, irerekord ang lahat ng interpretation at ipapadala nila ang mga ito sa mga kinauukulang bansa para na rin sa mga Pinoy na naninirahan sa iba’t-ibang lugar sa mundo.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *