Mga miyembro ng Sputnik gang sa bilibid nagsuko ng mahigit 30 sachet ng shabu at iba pang kontrabando

Boluntaryong nagsuko ng mahigit 30 sachet ng shabu ang mga miyembro ng Sputnik gang sa New Bilibid Prisons.

Ito ay kasunod ng pagkumpirma ng DOJ at Bureau of Corrections na muling  bumalik ang illegal drug trade sa bilibid.

Ayon kay BuCor Director General Benjamin delos Santos,  kabuuang 36 na plastic sachet ng shabu ang isinuko ng mga Sputnik gang member mula sa Quadrant 3 ng bilibid.

Bukod sa shabu, nagsauli rin ang mga inmate ng 2 icepick at isang cellphone.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na posibleng naging pamilyar  ang mga miyembro ng  PNP- Special Action Force  sa mga inmate dahil sa mahigit anim na buwan na silang nakadeploy sa bilibid kaya nanumbalik ang transaksyon ng iligal na droga doon.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *