Mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa kalusugan ni Pangulong Duterte maaaring maharap sa kaso ayon sa Malacañang

Nagbabala ang Malakanyang sa mga taong nagkakalat ng maling balita hinggil sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaaring maharap sa kasong libelo ang mga nagpapakalat na may malubhang karamdaman ang presidente.

Ayon kay Roque seryosong usapin ang ukol sa kalagayang pangkalusugan ng isang tao lalo na kung ang pinatutungkulan ay ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa ipinakalat ni Communist Party of the Philippines New Peoples Army founding Chairman Jose Maria Sison na nacomatose si Pangulong Duterte.

Sasabihin ko lang po doon sa mga kritiko ni Presidente, ‘Stop wishing him ill, as far as his healthy is concerned.

Kasi every time you wish him ill, lalong lumalakas, kasing lakas naman ng kabayo iyong Presidente ‘no. So please…

When you attribute a disease to a person, yes. ‘Di ba, isn’t that libel?

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *