Sen Ping Lacson idinepensa ang PNP, hindi dapat husgahan sa pag aresto sa 3 abugado

Umapila si Senador Ping Lacson sa publiko na huwag husgahan ang Philippine National Police kaugnay ng pag-aresto sa tatlong abugado sa isang bar sa Makati.

Sa harap ito ng inaabot na batikos ng PNP matapos arestuhin ang mga abugado na sina Atty Lenie Rocel Rocha, Jan Vincent Soliven at Romulo Alarkon habang nagsisilbi ng search warrant sa isang bar na hinihinalang nagbebenta ng illegal drugs.

Depensa ni Lacson, malinaw naman sa video ng isinagawang raid na inaresto ang mga pulis nang hindi maipaliwanag kung sino sa mga may-ari ng bar ang kanilang nire-represent.

Nakapagtataka rin aniya na nagsagawa ng kanilang sariling paghahalughog ang mga abugado na nagresulta ng pagkaka contaminate ng mga ebidensya.

Iginiit ni Lacson na hindi dapat gamiting depensa ng mga abugado ang katiwalian laban sa ilang pulis dahil seryoso ang PNP na linisin ang kanilang hanay laban sa mga sangkot sa ibt-ibang krimen at anomalya.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *