Mga opisyal at partners ng Infinitus Marketing Solutions Incorporated, posibleng makasuhan ng treason at espionage

0
tolentino_tol18th


Senador Francis Tolentino / Photo: Senate

Posibleng maharap sa mga kasong treason at espionage, ang mga opisyal at partners ng Infinitus Marketing Solutions Incorporated, na sinasabing sangkot sa troll farm operations sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Senador Francis Tolentino, na puwedeng kasuhan ng treason ang mga aktibong partner ng korporasyon, habang espionage naman ang puwedeng kagarapin ng mga Chinese na opisyal nito.

Malinaw aniya ang pakikipagtulungan ng korporasyon sa foreign government, upang pabagsakin ang ating sistema.

Bagaman ito aniya ay ginagawa sa digital space, maituturing pa rin itong paglabag sa soberenya ng bansa at ng institusyon na maituturing na highest form of betrayal.

Sabi ni Tolentino, “Yung sa kanila ngayon, treason and then siguro with the appropriate government agency, kung totoo, itong Securities and Exchange Commission, can ask for the cancellation of the rticles of Incorporation.”

Sa kabila ng pagtanggi ng korporasyon, kumbinsido pa rin si Tolenino na malaki ang kinalaman nito sa mga naglipanang disinformation at misinformation na layuning sirain ang mga kumakalaban sa China.

Ibinunyag ni Tolentino sa pagdinig na pumasok ang Infinitus sa isang service contract sa Chinese embassy para maimpluwensiyahan ang publiko pabor sa China.

Sangkot umano sa operasyon sina Paul, may-ari ng Infinitus, mga partner na sina Ruby Benig Gestiada, Min Li, Myka Isabel Basco at Christine Bergantinos Li, asawa ni Paul Li.

Ayon kay Tolentino, “Kasi collaborating with the foreign government to put down our system, and it’s ongoing even though in a digital space. It undermines the sovereignty of our country, our institutions, as well as society itself. It is the highwst form of betrayal towards flag.”

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *