Mga opisyal ng NAIA nag inspeksiyon sa mga terminal

Nag inspeksyon ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority sa mga terminal.

Sa harap ito ng inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong mahabang bakasyon na lalabas ng Metro Manila at lalabas ng bansa.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, pinakiusapan niya na rin ang mga empleyado na iwasan muna ang pagleave para matugunan ang pangangailangan ng mga paalis na pasahero.

Naglagay na rin ng help desk ang MIAA at Department of Tourism para tulungan ang mga paalis na pasahero.

May nakatalaga na rign mga hotline para tumanggap ng anumang reklamo ng pasahero

Dahil sa matinding init nagbibigay rin sila ng libreng tubig.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us: