Mga pasahero sa Iba’t-ibang pantalan sa bansa umabot sa halos 27K

Umaabot sa halos dalawamput-pitong libo ang mga outbound passengers o mga pasaherong papaalis sa ibat-ibang pantalan sa buong bansa ngayong holiday.

Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard, kabuuang 26,711 ang mga pasahero sa mga pier mula sa ibat -ibang rehiyon.

Pero ito ay mababa, kumpara sa bilang ng mga bumiyahe sa nakaraang weekend.

Pinakamarami sa mga ito ay mula sa mga pantalan sa Central Visayas na nasa 6,227 ang mga pasahero, sumunod ang southern tagalog na may 5,910 at ang mga pier sa Western Visayas na nasa 5,710 ang mga bumiyahe.

Naka-full alert status pa rin ang buong pwersa ng PCG bilang bahagi ng kanilang Oplan Byaheng Ayos para matiyak ang kaligtasan ang byahe ng mga sasakyang pandagat ngayong holiday.

Nagsimula ito noong October 26 at magtatagal hanggang sa November 6.

Ulalt ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *