Pangulong Rodrigo Duterte pauwi na sa Pilipinas matapos ang matagumpay na 3 araw na working visit sa Japan

Itinuturing ng Malakanyang na matagumpay ang tatlong araw na working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Japan.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na matutupad narin ang mga malalaking infrastructure projects na ipinangako ni Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino.

Itoy matapos malagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang humigit kumulang isang trilyong yen loan ng Pilipinas sa Japan.

Kabilang sa malaking proyektong ito ay ang pagtatayo ng Metro Manila Subway at Arterial Bypass sa Northern Metro Manila patungong Central Luzon.

Nakipagpulong ang Pangulo kina Japanese Emperior Akihito at Prime Minister Shinzo Abe kung saan nakakuha din ng suporta ang Pangulo sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Nagsimula ang working visit ng Pangulo sa Japan noong October 29 at magtatapos sa October 31.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *