Mga permit na inisyu ng lunsod ng Maynila sa lahat ng gaming operation ng PCSO, pinababawi na ni Mayor Isko Moreno

Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang hepe ng Business License Office ng lunsod na bawiin lahat ng Business license at Mayor’s permit na inisyu sa mga lotto outlet, small time lottery o STL, keno at peryahang bayan.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Duterte na nagpapatigil sa operasyon ng gaming operations ng PCSO dahil sa talamak na korapsyon.

Ayon sa alkalde mananatili ang kautusang ito habang umiiral ang kautusan ng Pangulo.

Binigyan naman ng alkalde ng tatlong araw si Atty. Paul Vega ng Business License office ng Maynila para makapagsumite ng report kaugnay sa nasabing kautusan.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *