Mga piling financial aid mula sa EU hindi na tatanggapin ng Pilipinas ayon sa Malakanyang

 

Nilinaw ng Malakanyang na hindi lahat ng halos 300 milyong euros na finacial aid mula sa European Union o EU ang tinanggihan ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang mga papasok pa lamang na financial aid na may kundisyon na magbibigay daan para panghimasukan ang panloob na patakaran ng bansa ang hindi tatanggapin.

Ayon kay Abella ang pagtanggi ng Pilipinas sa ilang financial assistance ng EU ay mula sa rekomendasyon ng Department of Finance kay Pangulong Duterte.

Inihayag ni Abella na ang mga kasalukuyang finacial humanitarian aid ng EU ay hindi ipapatigil ng gobyerno.

Niliwanag ni Abella na ang patakarang ito ay hindi nangangahulugang pinuputol na ng Pilipinas ang diplomatic relations sa EU katunayan nito itinalaga ng Pangulo si dating Senador  Edgardo Angara bilang special envoy ng Pilipinas sa European Union.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *