Mga Pinoy sa Syria ligtas sa lindol

Walang Pilipino sa Syria ang nasugatan o nasawi bunsod ng malakas na lindol na tumama sa Northern Syria.

Ito ay batay sa ulat na natanggap ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus sa Syria.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza, kinumpirma ng mga lider ng Pinoy community sa Philippine Embassy na walang napahamak na mga Pilipino sa lindol.

Courtesy: AFP

Sa tala ng DFA, nasa 60 na Pinoy ang naninirahan sa mga lugar na naapektuhan ng lindol gaya sa Aleppo, Latakia, at Hama.

Nakikidalamhati naman ang embahada sa gobyerno at mga mamamayan ng Syria na naaapektuhan nang malubha sa trahedya.

Nagpapatuloy din ang pakikipagugnayan sa mga otoridad at pagsubaybay ng Philippine embassy sa sitwasyon sa Syria.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *