Mga sementeryo sa buong bansa, sarado mula Oct.29-Nov.2

Sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbarium sa buong bansa, mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año, na naglabas na ng guidelines ang IATF tungkol sa pagsasara ng lahat ng mga sementeryo, memorial parks at columbariums kaugnay ng paggunita sa Undas ng mga kababayan nating katoliko.

Ayon sa opisyal, maaaring bisitahin ang mga nasabing lugar anomang araw maliban sa nabanggit na mga petsa.

Dagdag pa nito, 30% lamang ng kapasidad ang papayagan sa loob ng mga sementeryo, colombarium at memorial parks.

Aniya . . . “Kailangan ding magpasa ng ordinansa o executive order ang mga LGUs upang ito ay maipatupad nang maayos upang maging ligtas ang ating mga kababayan sa paggunita ng darating na undas.”

Please follow and like us: