PNP Chief Gen. Eleazar, bumisita sa NPD

Binisita ni PNP Chief Pol. Gen. Guillermo Eleazar ang Northern Police District (NPD).

Kasama niyang nagtungo sa lugar si NCRPO Chief Pol. Maj. Gen. Vicente Danao, kung saan mainit silang sinalubong ni NPD Regional Director Pol. Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr.

Sa pagbisita ni Gen. Eleazar, ay binigyang parangal ang mga miyembro ng PNP sa apat na siyudad na nasasakupan ng NPD, na kinabibilangan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela o CAMANAVA.

Ang mga parangal ng kagalingan ay iginawad sa mga natatanging pulis dahil sa sunod-sunod na accomplishments sa pagkakahuli ng mga most wanted person, milyun-milyong pisong halaga ng Ilegal na droga, mga bigtime gun runner, Illegal drug syndicate at iba pa.

Binigyan diin din ng Chief PNP ang cleanliness policy sa lahat ng Police Station at sa komunidad na nasasakupan PNP.

Nais din ni General Eleazar na mabisita ang lahat ng police station, para tiyaking maayos ang lahat at maibalik ang buong tiwala ng mga mamamayan sa Pambansang Pulisya .

Mark Leo Pernia

Please follow and like us: