Mga Tanod na nakapatay sa curfew violator sa Calamba Laguna, hindi kukunsintihin ng DILG

Hindi kukunsintihin ng Department of Interior and Local Government o DILG ang ginawang pambubugbog at pagkakapatay ng dalawang barangay tanod sa curfew violator na si Ernanie Jimenez sa Brgy. Turbina, Calamba Laguna.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, sasampahan din ng DILG ng kasong homicide ang dalawang barangay tanod na nakapatay sa biktima. 

Nagbigay na rin ng derektiba ang DILG sa Regional office nito sa region 4a at sa Hepe ng pulisya ng Calamba para tugisin na ang mga suspek na kinilalang sina Arjay Abierta at Joel Ortiez, na agad tumakas matapos ang krimen.

Please follow and like us: