MIAA, naghahanda na sa pagdagsa ng mga bakasyunista

Sinimulan na ng Manila International Airport Authority ang paghahanda kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan para sa holiday.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, inatasan niya ang  apat na airport managers ng NAIA terminals na tiyakin na nasa magandang kondisyon ang kanilang cooling systems.

Sinabi ni Monreal na inaasahan niyang maikabit ang bagong cooling cord na magpapalamig pa lalo sa Terminal 3.

Sa Terminal 2 naman ay dalawang buwan ng operational ang bagong biling compressors at napalitan na rin ang chillers na magpapalamig sa naturang Terminal.

Kasabay nito, tiniyak ni Monreal na bagaman hindi pa nakukumpleto ang binili nilang security cameras sapat naman ang bilang ng CCTV  Cameras sa apat na Terminal para sa seguridad ng mga pasahero.

Please follow and like us: