Militar, nagbukas ng dalawang bank accounts para sa mga donasyon sa mga pamilya ng sundalong nasawi sa Marawi City

Dalawang bank accounts ang binuksan ng militar para sa mga donasyon sa mga pamilyang naiwan ng mga sundalong nasawi sa Marawi City.

Kaugnay nito, umapela ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na tumulong sa pagbigay ng tulong in cash o in kind sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

Nanawagan ang AFP sa mga taong nagnanais na tumulong sa mga kaanak ng sundalo na magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng account sa Land Bank of the Philippines sa ilalim ng account name na AFP Marawi casualty.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *