Senado, agad aaprubahan ang supplemental budget para sa Marawi City rehabilitation

Agad aaprubahan ng Senado ang supplemental budget para sa pagsasaayos ng Marawi City.

Sinabi nina Senate President Koko Pimentel at Senate Committee on Finance Loren Legarda, ito’y sa oras na makatanggap sila ng kahilingan ukol sa naturang pondo

Ayon kay Pimentel, malaki ang posibilidad na kakailanganin ang supplemental budget dahil isang hindi inaaasahang pangyayari ang krisis na nagaganap sa Marawi City at hindi pa ito nakapaloob sa 2017 National budget.

Aniya, malaking pondo ang kailangan para sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan at mas malaking budget ang magagamit para naman sa rehabilitasyon ng lungsod.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *