Misis ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio Gonzales, isa sa mga biktima sa Resorts World incident

Kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kasama ang misis ni Pampanga Congressman Aurelio Dong Gonzales sa mga namatay sa pamamaril at panununog sa Resorts World Manila.

Kinilala ang maybahay ng kongresista na si Elizabeth Gonzales.

Batay aniya ito sa natanggap niyang text message mula kay Philippine National Police Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Sa nasabing mensahe hinahanap pa rin umano ang kapatid ni Ginang Elizabeth na si Consolacion Mijares.

Samantala, isa rin sa mga namatay sa insidente ay ang staff ni Malabon Congressman Ricky Sandoval na kinilalang si Cliff Reyneira.

Ayon kay Sandoval, nakarating sa kaniya ang balita mula sa ilang mga kaibigan na tumawag at nagbigay sa kanya ng impormasyon.

Tumawag din aniya sa kaniya ang driver ni Reyneira na hindi umuwi kagabi ang kaniyang amo.

 

(Ulat ni Madz Villar Moratillo)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *