MRT-3 may libreng sakay para sa kababaihan

Photo: DOTr / pna.gov.ph

May libreng sakay ngayong Martes (March 8) ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan, kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Day.

Ang libreng sakay na handog ng MRT-3, ay nagsimula kaninang alas-7:00 – 9:00 ng umaga, at mayroon din mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi ni MRT-3 OIC-Ge­neral Manager Asec. Eymard D. Eje, na ang hakbang ay bilang pafkilala sa natatangi at hindi matatawarang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

Ayon sa opisyal, ang pamunuan ng MRT-3 ay kaisa sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino, at sa simpleng paraan gaya ng libreng sakay ay makapaghahatid ang ahensya ng kasiyahan sa mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw.

Please follow and like us: