SRP hindi babaguhin ng DTI kahit tumaas na ang presyo ng langis

Hindi pa babaguhin ng Department of Trade and Industry (Dti), ang suggested retail price (SRP) ng mga bilihin kahit naapektuhan na ito nang pagtaas sa presyo ng langis bunsod na rin ng kaluguhan sa Ukraine.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na may isang manufacturer na humingi sa kanilang ng permiso para makapagtaas ng presyo, nang magsimula ang pag-atake ng Russia sa Ukraine, nguni’t hindi ang halaga ng langis ang idinahilan nito kundi ang presyo ng isda.

Ayon sa DTI, dahil kakaunti pa ang nagpadala ng kahilingan para baguhin ang SRP kaya’t mananatili pa rin ito.

Ani Castelo, sasabihin din nila sa manufacturers na huwag magmadali sa kanilang kahilingan, laluna at kagagaling pa lamang ng bansa sa pandemya.

Please follow and like us: