Nahuling Indonesian terrorist dapat munang malitis sa Pilipinas bago ipa-extradite sa Indonesia- Malacañang

Ipinauubaya na ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Department of Justice o DOJ ang pagtugon sakaling hilingin ng Indonesian government sa pamahalaan na ma extradite ang nahuling Indonesian terrorist na nahuli ng mga otoridad sa Marawi City.

Sa Malakanyang hour sinabi ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na posibleng may malalaking kaso ring kinakaharap sa Indonesia ang suspek na si Muhammad Ilham Syahputra tulad ng pambobomba sa kanilang bansa kaya ito maaaring gustong ipa extradite ng Indonesian government.

Gayunpaman iginiit ni Padilla na dahil nahuli ito sa Pilipinas at may kaso ring kinakaharap mahalagang dito litisin at papanagutin.

Samantala, tiniyak naman ni padilla na maayos nang nagpapatupad ng security measures ang pnp sa kampo crame kaya hindi dapat mabahala sa pangambang makatatakas ito roon.

Si Syhaputra ay nakakulong na sa PNP custodial Center sa Kampo Crame.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *