Peace talk sa CPP NPA NDF, opisyal ng isinagawa ng Malacañang.

Pormal ng isinara ng Malakanyang ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF.

Naglabas na ng official statement si presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na inabisuhan na nila ang CPP NPA NDF panel at ang Norwegian government na tumatayong third party facilitator na kanselado na ang peace talk.

Sinabi ni Dureza na ang desisyon ng pagpapatigil ng usapang pangkapayapaan ay batay sa pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang kausapin ang CPP NPA NDF dahil sa kawalan ng senseridad.

Ayon kay Dureza maaaring buksan ang usapang pangkapayapaan depende sa magiging desisyon ng Pangulo sa hinaharap.

Magugunitang nagbanta pa ang Pangulo na idideklara niyang teroristang grupo ang NPA ang armed group ng CPP NDF.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *