Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 7,689

Nakapagtala ang Department of health ng 7,689 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw .

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3,601,471 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 136,436.

May 22,539 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,410,821 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 1 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,5214 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 3, at 6 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID 19 Repository System.

Please follow and like us: