Naitalang Covid 19 cases sa bansa, umabot na sa mahigit 2 milyon

Pumalo na sa 2, 003, 955 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 14,216 bagong kaso ng virus infection ang Department of Health ngayong araw.

May 140,949 ang aktibong kaso naman ng Covid 19 sa bansa.

May 18,754 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 1,829,473 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid 19 dito sa bansa.

May 86 namang naiulat na nasawi, kaya nasa 33,533 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: