Pinakamataas na daily COVID-19 cases sa bansa , naitala ; umabot sa 22,366

Umabot na sa 148,594 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng panibagong record high na 22,366 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 16,864 ang naitalang bagong gumaling.

May 222 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 33,330 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,976,202 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,794,278 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: