Nasasawi sa bakbakan sa Marawi, umakyat na sa 772

Umaabot na sa 772 ang bilang ng mga namatay sa patuloy na bakbakan ng tropa ng militar at Maute-ISIS sa Marawi City.

Ayon kay Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng Joint Task Force Marawi, 597 na ang napapatay sa mga teroristang Maute, 130 sa gov’t forces at 45 sibilyan.

Nakarekober naman ang tropa ng gobyerno ng 660 armas at nasa 1,728 sibilyang hostage ang nasagip.

Ayon naman kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy ng Task Force Ranao, apat pang mosque na pinagtataguan ng nasa 50 Maute ang kanilang target habang 40 pang bihag ang pakay nilang mailigtas kabilang dito ang isang paring katoliko.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *